Tuesday, June 27, 2017

SALAMAT SA ALAALA

Wag kang mag alala
kaya ko na tumayo mag isa
ayusin ang sarili, itikom ang bibig..
walang masakit na salita sa saaking labi
at simulang yakapin ang sarili..

SALAMAT.. sa alaala..
lumuluhang kahapon..
at sa konting panahon
wala nang muling papatak
sarili ko muna ang iisipin..

Kailangan na masanay muling mag isa..

Ako muna ang magmamahal sa sarili ko
hahanapin kung saan patungo..
magpapaagos sa daloy ng buhay
maghahanap ng mga kasagutan..

SALAMAT.. sa alaala
lumuluhang kahapon..
at sa konting panahon.
wala na muling papatak
sarili ko muna ang iisipin sa ngayon

kailangan na masanay muling mag isa..