Thursday, July 29, 2010

RESEARCH:NOON HANGANG NGAYON



RESEARCH: Isang madugong gawain na tipong lahat ng sense organ at bulsa mo e papaduguin nya..

Ito ang definition ko sa salitang research simula pa noong kinder hanggang ngayon..

sa aming subject na marketing research,,nalaman namin na meron palang iba't-ibang klase ito..nandyan ang consumer research,pricing research,promotion research,product research at sales research. yun! yung mga yun! Dahil follower ko ang instructor ko dito,,,si Dokwayne <*applause*>hmmmn..wala akong sasabihing negatibo TUNGKOL DITO maliban sa salitang NEGATIBO...

nasa stage kami ng paghahanap ng literature atgusto ko sanang sabihin lahat ng topics ng mga classmates ko..

  • reducing fats-related anxiety
  • food supplement consumption in dagupan city
  • consumer consumption of motor riders and preferences
  • comparative prices of supermarkets in dagupan city
  • profitability of generic medicines
  • the buyer behavior of mothers on milk- formula
Bakit ko sinasabi ang mga ito?!! SIMPLE lang...tinatry ko langbaka kasi sa paghahanap ng mga kaklase ko ng 20 literatures e mapadpad sila sa site ko....<*ubo*> SIKAT!!!


Tuesday, July 27, 2010

ang tanong ng bayan: "BAKIT ISIP IPIS????!!!"


Sa mga kaibigan, kakilala, kamag-aral, instructors, ka-bordmate, kamag-anak, fans at mga stalkers (korek spelling ba?) babasagin ko na ang matagal kong pananahimik tungkol sa pag-amin kong isip-ipis ako..

Bakit nga ba sa lahat-lahat ng pwedeng ipangalan ay isip-ipis pa??hmmmn...dahil ba totoo??o sadyang epal lang ako??

Bago pa ko humarap dito sa keybord at itype ang salitang naging dahilan ng pagsikat ko,, tinanong ko muna ito sa isang kaibigan ko na matalino at may pagka seryoso..kumunot ang noo nya at sinabing "bakit yun pa??". Nalungkot ako at nawalan ng pag-asa..nagmukmok at natulala ng mga limang sigundo.. Pero sa mga oras na yon..wow!! na-realize ko...baka masyadong mataas ang tingin nya saakin..hahaha.,hanep..siguro..para sakanya,,ka-level ko sina Newton,Fleming at Bob Ong..

Pero bago nyo pa iclick ang close tab ng mga computer nyo at murahin ang pangalan ko,,eto seryoso.. ano ba sa tingin nyo ng ipis??bakit my ipis??at ano ng "contribution nya sa man-kind?"una,,sa tingin ng iba,,ang ipis ay isa lamang pesteng dapat mawala sa mundo PERO ang ipis ay sumisimbolo na kahit ang mga marurumi,maliliit at walang laban na tao o kahit na ang mga pina walang kwenta ay pwedeng mabuhay at maging matibay sa lahat ng hampas o palo na darating sa kanilang buhay..Pangalawa, naniniwala akong kaya may ipis ay para ipaalala sa mga tao na kailngan na nilang linisin ang kanilang mga kusina, kubeta, aparador at bag...ibig sabihin lang nito na ang mga ipis ang nagbubukas sa mga mata ng mga tao upang makita kung gaano na karumi ang kapaligiran nila..Pangatlo, ang contribution nya sa man-kind..hmmmnn..di ba sinagot na ito ng una at pangalawa??

Ngayon,,bakit ko sinasabi to??dahil tulad ko..gusto ko ring maging isip ipis kayo..kung titignan mo ang baso bilang kalahating puno,,sigurado akong magegets mo ko...kasi isip ipis ka..laging isipin na: "ANG LAHAT NG MALIIT AY NAKAPUPULING"

bata: nay!!may ipis sa bag ko!
nanay:ay oo nga,,patayin mo anak at lalabhan ko na rin ang bag mo..

bata:nay!!may ipis ang pagkain ko!
nanay: bilis!!patayin mo ang ipis!!

ipis: ako na nga ang reremind na marumi ang bag at kusina nyo...may gana pa kayong patayin ako???!! kapal nyo ah! helloww???,,wala ako dito kung in the first place malinis kayo...try nyo kayang maglinis??!! mga @#@$$%!

-THE END-