Dati ay isa lang akong College Student na nag-aaral ng mabuti humihingi ng baon at naglalasing kasama ng mga barkada pero ngayon,,wow! Empleyado na po ako..!
Masaya pag sumasahod ka na, may pera ka at nabibili mo na ang gusto mo, di man lahat pero halos lahat :) dati ang favorite day ko ay Saturday at Sunday pero ngayon masaya ako ng 15th at 30th day of the month! Masaya pag nakakatulong ka sa pamilya at maaasahan ka na nila..
Naging Virtual Assistant ako sa isang realtor sa California at Florida. Parang call center ang peg pero ito kasi more sa emails at bank transactions. Napakahirap maging VA, unang-una sa araw-araw na ginawa ng Diyos, (i mean gabi-gabi pala) ay puro amerikano ang kausap ko so bumabaha po ng dugo sa cubicle ko..! (haha) pangalawa: konting mali mo lang may penalty sa p*tang in*ng banko na yan kaya ang outcome ay self pity at hiya kay boss. May kalakihan ang sahod ko noon pero di ako nakapag-ipon masyado kasi enjoy na enjoy ang bawat sentimo ng sahod ko noon.. Dumating yung tym na nawalan ako ng self worth at parang gusto kong ayusin ang buhay ko..so after more than 6 months umalis ako sa ganung klaseng buhay.
Here comes my second job, as Accounting Assistant..wow sosyal ng pangalan..!(haha) pero unlike sa pagiging VA ko, minimum lang sahod ko..PERO! dito i learned so much about business. Parang magic nga kasi sa work ko nakaroon ako ng laptop,iphone at nakapag aral ako ng MBA. Di ko masasabing masaya ako di ko rin masasabing unsatisfied pero neutral lang ang feeling. Dito kakilala ko iba't ibang uri ng tao at kung pano ko sila itrato at sekreto na lang,,! Di ko namamalayan lagpas na ako ng one year dito at parang nawawalan nanaman ako ng self worth..
Sa ngayon, February 13, 2014 ay kasalukuyan akong napapraning kung nakapasa kaya ako sa pinag-examan kong another career..This time something different at sobrang hirap pero sana lang makapasa ako.
Life is all about acceptance at making the best of what you have. Kung puro inggit at insecurities ang meron sa puso mo, di ka aasenso at di ka mag gogrow..To friends out there don't live with somebody's life.. I mean do what you want and express yourself..Madami akong kilala na until now stagnant sa life kahit madami nang pera..bakit kaya? kasi wala pa silang napo-prove na nagawa nila para sa sarili nila at para sa mga taong mahal nila.. Di ko namang sinasabing may naprove na ko pero atleast i made things based on my own will at i tasted every consequences at prices of my decisions. Yup this is Isip-Ipis at this is how employment changed me and my perceptions in life. Goodluck to all of us!!