Thursday, August 20, 2015

ISIP IPIS SA PROFESSION OF ARMS


"...They reject their rights to live where they choose, to say what they think and to dress as they like.."- Military Professionalism.


Eto nanaman,, Isip-ipis signing in...musta na po kayo? After 15 months of absence, eto na po si Isip-ipis: handa na para paglingkuran ang ating pinaka-mamahal na bansa!

I just can't imagine noon ay isa lamang akong "care-free" civilian na walang ibang gawin kundi magpayabang sa facebook at magpaka -girly sa buhay. Gigising sa umaga titingin sa salamin at titignan kung may epekto sa pinahid kagabi na pampa-puti.. Maliligo at mag aayos for more than 30 mins. Papasok sa trabaho, uupo sa harap ng computer, aalis ng hapon, gigimik ng gabi at uuwi sa bahay maliligo at matutulog. Basically ganito ang buhay ko noon....PERO! noon yun...

Ngayon gigising sa maingay na buggle ng "reveille" (military term ng buggle para sa pag gising ng mga tulog na cadete)  ng 0400H maliligo ng 5 mins magbibihis ng 3 mins, tatakbo ng 5 km uuwi sa barracks, maglilinis, mag pa-plantsa ng uniforms, mag tuturo ng mga very- lax na lower class, sisigaw, pagtitripan ang lower class, tatawa, kakain, mag- aaral, magpapalakas, mag di-drills at kung ano-ano pang iba pang pwedeng gawin. Matatapos ang araw ko ng isa paring buggle na tinatawag naming "taps" (military term ng buggle para sa pag tulog). Basically eto ang buhay ko ngayon bilang recognized na cadete. Medyo madali na compare nung mga unang araw ko dito dahil after 1 year ng training namin, naituro na ang lahat ng pwedeng ituro saamin upang maging isang responsableng cadete at disiplinadong opisyal sa hinaharap.

Ang lahat ng ito ay hindi madali para saakin. At lahat ng pinagdaanan ko dito ay pawang mga ala-ala na lamang na isasapuso at habang buhay kong pagsasalamatan dahil ang mga ala-alang iyon ang nag silbing daan para mahubog ang bagong ako na masasabi kong mas angat ako sa mga ordinaryong taong kasing edad ko ngayon.

Minsan naiinggit din ako sa mga kaibigan kong civilian sa tuwing nakikita kong nag papaka saya sila sa buhay nila..samantalang ako ay nililimitahan ng mga rules and regulation ng organisasyong ito…pero on the other hand naiisip ko din na “pwede ko din namang magawa ang mga nagawa nila palabas ko ee..”  Yun lang at malamang ay hindi nila kayang gawin ang mga gawa ko ditto sa loob ng training.

Ngayon any masasabi kong masaya na ako sa buhay ko…at least ngayon may foresight ako kung ano ang pwede ko pang maabot sa hinaharap..Who knows? Si Isip ipis ay maging piloto diba? Pwede din naman maging Logistician o radar officer? Ah basta sa ngayon eto napo si isip ipis…closer of becomming great for the Filipino people and for the country!


Signing off.. babye! 

4 comments:

  1. Congrats!I'm proud of you!I wish I'll be like you too.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you birsnot...!!!! sorry for late reply..hehehe

      Delete
  2. Replies
    1. to be me jed?? hmmmm just follow what your heart tells you.. :)

      Delete