Wednesday, March 14, 2018

My Open Letter sa Lalaking Bigay ni God Sakin


My Open Letter sa Lalaking Bigay ni God Sakin:

Kamusta ka na? I'm wondering if you're okay now..
Masaya ka ba ngayon o umiiyak ka pa rin?
But above all, I hope you're too busy building up yourself to become the best man that you could ever be..

Habang di pa tayo nagkikita sana God is giving you frequent tests to strengthen your patience.. Topakin kasi ako at ang pride ko abot langit!

Sana maturuan mo 'ko..
Turuan mo 'ko sa mga bagay na di ko pa alam..
Di ko pa kasi alam magtiwala at di ko rin alam mag mahal ng may tinitira sa sarili..

Sana maintindihan mo 'ko..
Intindihin mo na madami akong drama at kaarterhan sa katawan..
wag kang mairita, kasi mahal na mahal ko ang sarili ko..
Masaya ako pag nag memake up ako, nag lolotion, nagpapabango at kung ano-ano pa..
May mga pagkakatyaon na pag nasa mall tayo bibili ako ng ga bagay na nagustuhan ko lang..
Mahilig akong mamasyal at mag try ng bago..
At wag mong silang  aalisin sakin kasi yan ang mga bagay na nagpapasaya sakin.. 

 May mga araw na ipagluluto kita... alam ko rin na may mga pagkakataong hindi masarap ang mga lulutuin ko so its up to you kung pano ako i-cheer up..

Ngayon pa lang magsosorry na ako ha.. kasi baka pagdating mo, di kita agad pansinin.. tsagain mo lang ako.. alam mo na, ayaw ko na kasing magmadali.. baka mali nanaman ee.. hehe.. Hindi ako perfect.. marami akong insecurities sa katawan.. immature ako minsan.. Pero sana mag stay ka no matter what..

Pagdating mo sana okay na ako.. Ready na ulit.. Para hindi rin unfair sayo.. Ingat ka ha.. Mahalin mo sarili mo and pray lang tayo kay God.. Magkikita rin tayo... Hihintayin kita.. ;)

No comments:

Post a Comment