Showing posts with label bob ong. Show all posts
Showing posts with label bob ong. Show all posts

Thursday, August 1, 2013

MALUFETTE QUOTES NI PARENG BOB ONG!!

Marami na ang nag tatanong kung saan ako kumukuha ng natatanging galing....yess!!...ang saya-saya ko na sana..pero hindi pa doon nag tatapos ang lahat.."saan daw ako kumukuha ng natatanging galing...."sa kalokohan" hmmn..maliban kela newton,fleming at armstrong na nag turo saakin kung paano magmura,,nanjan din naman si Bob Ong para mag bigay saakin ng words of WISDOM..Oo,,,siya nga,,,siya ang aking kababata,kapitbahay,bestfrend,ex at future...(Uooooooyy)...sa panaginip..hehe..kahit ako MISMO sabik na xang makita...marami pa siguro akong ipopost tungkol sakanya sa mga susunod na araw,,,pero iiwanan ko muna kayo ng mga malulufette nyang quotes..

enjoy!!

Mga quotes ni BOB ONG.

1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang,
hindi lahat matibay para sa temptasyon."

2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo."

3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
"

4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

7. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din."

8. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa."

10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

11. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama
ka."

13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang
puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,
kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo
na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:
magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi
IKAW mismo!"

14. "nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-
blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito
hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan
ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

15. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

16. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "

17. "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

18. "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay
kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay
katotohanan. "

19. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang
nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang
umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan
ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

20. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga
araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay,
sarap!)."

21. "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok
sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili."

Tuesday, July 27, 2010

ang tanong ng bayan: "BAKIT ISIP IPIS????!!!"


Sa mga kaibigan, kakilala, kamag-aral, instructors, ka-bordmate, kamag-anak, fans at mga stalkers (korek spelling ba?) babasagin ko na ang matagal kong pananahimik tungkol sa pag-amin kong isip-ipis ako..

Bakit nga ba sa lahat-lahat ng pwedeng ipangalan ay isip-ipis pa??hmmmn...dahil ba totoo??o sadyang epal lang ako??

Bago pa ko humarap dito sa keybord at itype ang salitang naging dahilan ng pagsikat ko,, tinanong ko muna ito sa isang kaibigan ko na matalino at may pagka seryoso..kumunot ang noo nya at sinabing "bakit yun pa??". Nalungkot ako at nawalan ng pag-asa..nagmukmok at natulala ng mga limang sigundo.. Pero sa mga oras na yon..wow!! na-realize ko...baka masyadong mataas ang tingin nya saakin..hahaha.,hanep..siguro..para sakanya,,ka-level ko sina Newton,Fleming at Bob Ong..

Pero bago nyo pa iclick ang close tab ng mga computer nyo at murahin ang pangalan ko,,eto seryoso.. ano ba sa tingin nyo ng ipis??bakit my ipis??at ano ng "contribution nya sa man-kind?"una,,sa tingin ng iba,,ang ipis ay isa lamang pesteng dapat mawala sa mundo PERO ang ipis ay sumisimbolo na kahit ang mga marurumi,maliliit at walang laban na tao o kahit na ang mga pina walang kwenta ay pwedeng mabuhay at maging matibay sa lahat ng hampas o palo na darating sa kanilang buhay..Pangalawa, naniniwala akong kaya may ipis ay para ipaalala sa mga tao na kailngan na nilang linisin ang kanilang mga kusina, kubeta, aparador at bag...ibig sabihin lang nito na ang mga ipis ang nagbubukas sa mga mata ng mga tao upang makita kung gaano na karumi ang kapaligiran nila..Pangatlo, ang contribution nya sa man-kind..hmmmnn..di ba sinagot na ito ng una at pangalawa??

Ngayon,,bakit ko sinasabi to??dahil tulad ko..gusto ko ring maging isip ipis kayo..kung titignan mo ang baso bilang kalahating puno,,sigurado akong magegets mo ko...kasi isip ipis ka..laging isipin na: "ANG LAHAT NG MALIIT AY NAKAPUPULING"

bata: nay!!may ipis sa bag ko!
nanay:ay oo nga,,patayin mo anak at lalabhan ko na rin ang bag mo..

bata:nay!!may ipis ang pagkain ko!
nanay: bilis!!patayin mo ang ipis!!

ipis: ako na nga ang reremind na marumi ang bag at kusina nyo...may gana pa kayong patayin ako???!! kapal nyo ah! helloww???,,wala ako dito kung in the first place malinis kayo...try nyo kayang maglinis??!! mga @#@$$%!

-THE END-